Huwebes, Marso 2, 2017

Basag na Salamin


Mayroong pa bang pag-asa natira o wala nang dapat babalikan at alagaan dahil matagal nangbasag ang salamin? Ilang dekada na ang nakalipas, ang Pilipinas ay nakamit ang kalayaan na inaasam sa mga maruruming kamay ng mga Kastila. Pero ang tiyempo ba sa pagkalaya ay sapat na ba na maging maginhawa ang bansang Pilipinas kung ipalagay mo matagal nangpatay ang ating Pilipinas. Nasasayang lang ang ginawa na paghihimagsikan ng mga Pilipino upang mailaya ang patay na Pilipinas. Sa mga taon na naghintay ang ating bansa, nanatiling bulag ang iilang mga Pilipino sa sakim ng mga Kastila mas pinalala nila ang tinatawag na sakit ng lipunan. Sa mga panahong ito, dapat naging magising ang ating diwa ng lahat ng mga Pilipino at iligtas ulit ang ating bansa sa sakit nito. Ang mismong sakit ng lipunan ay ang gamot nito kapag magbago at magising ang lahat sa totoong nangyayari noon. Himagsikan ang naging daan na umilaw at nagpabukas sa mga mata ng mga Pilipino at nakawala man tayo sa maruming kamay ng mga Kastila ay nanatili pa rin ang sakit ng lipunan. Kung kaya't ang mga Pilipino ay hindi nakaahon dahil nakasali na sa kanilang tradisyon ang sakit na sinasabi. Mahirap na ba talagang hanapan ng gamot ang sinasabing sakit ng lipunan?


                      Sabi ng isang Pilosopia, ang korupsyon, crab mentality, pagiging makasarili, at kawalan ng pagkakaisa ay makikita ng mga Pilipino sa panahong ito. Ito ang mga sinasabing sakit ng lipunan na hindi nagagamot ni Simoun sa kuwentong El Filibusterismo. Karamihan sa mga opisyalis sa pamahalaan ng bansang Pilipinas ay korupt kaya ang bansang  Pilipinas ay mahirap pa rin. Ang isyung Pork Barrel ay nagpapakita na ang mga opisiyalis ngayon ay nagsasalamin sa mga maruming ginagawa ng mga prayle noon kung saan ang mga hindi makatarungang paghingi at paggamit ng buwis. Nagsasaad ito ng korupsyon na nangyayari noon at ngayon. Ang kasarian ng korupsyon ay isa lamang sa mga sakit ng lipunan na pinag- dudurusahan ng bansang Pilipinas, si Maria Clara at ang salamin na tinutukoy rito. Ang pagka-makasarili ng iilang may awtoridad ay pangunahing dahilan kung bakit magkawatak-watak ang bansa kung kaya’t hindi umuunlad sa kahirapan ang Pilipinas. Ito ang mga dahilan kung bakit namatay na ang bansang Pilipinas noon. Kahit kumilos ang mga Pilipino noon upang mabigyan gamot ang sinasabing sakit sa pamamagitan ng paghihimagsik, huli na ang kanilang kilos para sa suliranin. Ano ang nagawa na ang kanilang kilusan tungkol nito?


Nasayang man ang pagsisikap nila sa pagligtas ng Pilipinas, hindi pa huli ang lahat at mayroon pang paraan upang maibuhay ang namatay na at maayos pa ang basag na salamin. Ang mga mabubuting gawin nating mga Pilipino ay ang pagtitipon sa mga piraso ng salamin dahil mismo ang mga Pilipino ang nagsasalamin ng Pilipinas kung sira ang ating diwa ay basag rin ang Pilipinas pero kung hindi ay kabaligtaran ang ating makikita. Matatagalan man ang proseso ng pagbabago ng mamamayan kung kaya't maging mas mahirap at mabigat na gawain. Kinakailangan ang pakikipagtulungan ng mga Pilipino lalong lalo na sa mga kabataan at matanda dahil sa mga panahon ngayon ay hindi sila nagkabati sa mga bagay-bagay. Ang pagkawala ng pag-maintindihan ng mga matanda at bata ay isa sa mga sakit ng lipunan at kapag ginamit na ito ay maging susi ito sa mga solusyon sa iba pang sakit. Sa mga dibdib ng mga Pilipino, buhay pa rin ang bansang Pilipinas at ito ang mag-udyok at maggagabay sa mga Pilipino patungong pagbabago. Ito ang bansang sinilangan; sinilangan ng pagkakataon na buhayin ang namatay na diwa at ito ang diwang Pilipinas. Hindi ibig sabihin na ang pagkamatay ng Pilipinas noon ay wala ng pag-asa na magbago at maghanap ng paraan na mabuhay ito.  Ang pagtama ng mga gawain ay magsisimula ng pagsilang ng bagong Pilipinas. Kaya sa mga gagawin pag-babago ng mga Pilipino ay darating ang panahon na mailuwal sa sinapupunan ang bagong bansa at ito ang Pilipinas na buhay at buong salamin.